Thursday, January 31, 2013

Lesson Plan in Filipino



I. Layunin:
A.Nauunawaan at natutukoy ang ibat ibang uri ng huni o ingay na ginagawa ng hayop.
B.Nakababasa nang may wastong galaw/hagod na mata mula sa kaliwa, pakanan.
C.Naibibigay ang mga detalyeng sumasagot sa mga tanong.
D.Naisasadula ang mahahalagang pangyayari sa kuwento.

II. Paksang Aralin:
Pagtukoy sa Iba’t ibang Huni ng Hayop
Sanggunian: BEC Pakikinig p. 33, Landas sa Wika at Pagbasa p. 2-6, MG p. 4-7, B.A. 2-8
Kagamitan: plaskard/larawan
Pinagsanib na Aralin: Filipino 
Pagpapahalaga: Nagsasabi ang Kahalagahan ng Alagang Hayop.

III. Pamamaraan:

A.PanimulangGawain:

a.Balik-Aral:
b.Pagganyak:
1.Sinu-sino sa inyo ang may alagang hayop? Anu-ano ang inyong alaga sa bahay?
2.Ipakita ang larawan ng mga hayop sa paligid. Pag-usapan ang ginagawa ng mgahayop sa tao.

B. Panlinang na Gawain:
1.   Sanayin ang mga bata sa mga sumusunod na mga Gawain sa wastong pagbasa nangmalakas
2.   Ipabasa nang malakas ang kuwentong Masayang Paligid sa isang mag-aaral bilanghuwaran.
3.   Ipaulit sa mga bata ang magbahagi ng kuwento na nagsasaad sa ginagawa ngbawat hayop.
4.   Ipauulit sa kanila ang huni/tunog ng bawat hayop.


IV.Pangwakas na Gawain:
A.Paglalapat:  Gayahin ang huni o ingay na ginagawa ng mga hayop batay sa nakalahad na mgakalagayan.

1.   Aso- nagagalit sa pagdating ng hindi niya kilalang tao
2.   Tandang -nanggigising ng tao dahil umaga na, nais niyang ipaalam ito
3.   Ibon- masaya, sasayaw-sayaw at kakanta-kanta habang nagpapalipat-lipat sa sangang mga puno.
     4. Palaka- Masaya sapagkat maghapon at magdamag na umuulan

V. Pagtataya:
Ipares ang mga huni ng Pangkat 1 sa pinagmulan ng mga tao sa pangkat. I sulat ang mga titik sa patlang.
  

            I                                       II
1.   Unga! Unga!                          a. baboy
2.   Me-e-e! Me-e-e!                   b.aso
3.   E-e-e-k! E-e-e-k!                  c.baka
4.   Ngiyaw! Ngiyaw!                   d.sisiw
5.   Tsip! Tsip!                            e.pusa


VI. Takdang Aralin:
Gumupit nang 3 larawan ng alagang hayop at idikit sa kwaderno. Isulat ang huni/ tunog natinutukoy nito.

No comments:

Post a Comment